Speech for the Tree Lighting Ceremony 2009 - Provident
>> 16 November 2009
Sa kasaysayan ng mga Israelita, ang tinalagang bayan ng Dios sa Lumang Tipan, hindi kailanman maaaring tawagin ng tao ang Panginoon sa kaniyang pangalan. Napaka banal nito kung kaya, bilang tanda ng pag-galang, imbis na Yahweh {YHWH}, makikita natin sa Banal na Kasulatan ang salitang Adonai na, sa Latin ay Kyrios o Dominus, na ang ibig sabihin ay Lord.
Ngunit sa pagdating ni Cristo, tinuruan niya tayo ng tamang pananalangin; na sa ating pagdarasal, hinabilin ni Jesus na tawagin natin ang Dios, si Yahweh, ang lumikha ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at hindi nakikita ng “Ama”. {cf. Matthew 6:6-13
Ama namin,
Amahan namo,
Amay namon,
Our Father,
Padre Nuestro,
Pater Noster.
Hindi lamang Ama, kundi Ama namin - natin.
Kaisa natin si Hesus sa pagtawag sa Ama. Ama natin.
At kung Ama natin siya, tunay, dapat, matuwid at nararapat lamang na tawagin nating Bro ang ating Panginoong Jesu-Kristo.
Kung kaya binabati ko ang bawat isa sa atin na naririto sapagkat tunay, dapat, matuwid at nararapat lamang ang tema ng Provident ngayong taon.
We become Christ for Christ.
As it was so eloquently explained by the Chairman; “the Light of the World is with us, in the Tabernacle of our Chapel of the Two Hearts, and in our hearts.”
Because when Provident saw the hungry, we fed them. When Provident saw the thirsty, we gave them drink. When Provident saw those who were grieving because of the loss of a love one, we comforted them. When Provident saw that our neighbours in Bicol needed assistance, we assisted them. When Provident saw the homeless due to the three typhoons that ravaged our country, we aided them.
As the Lord said; “Amen, I say to you, whatever you did for one of these least brothers of mine, you did for me.” {Matthew 25:40}
Kung kaya tunay, dapat, matuwid at nararapat lamang na ating ipagbunyi ang Provident sa ating masugid na pagsuporta kay Bro sa pamamagitan ng ating walang kupas na pagtangkilik sa araw-araw na Banal na Santa Misa, sa Corporate Social Responsibility kung saan tayo ang nagiging Bro para kay Bro, at sa iba pang mga adhikain.










